Mahal na mahal ni Elnie si Daniel na yung tipong gagawin niya ang lahat mapaganda lang ang kanilang pagsasama. Si Daniel ang long time boyfriend niya mabait, responsable, matalino eksaktong eksakto sa hinahanap ni elnie na katangian para sa kanyang kapareha bonus nalang dahil gwapo at matipuno din ito kaya hindi maiiwasan na maraming umaaligid sa kanyang nobyo ngunit panatag din ang kanyang loob dahil malaki ang tiwala niya kay daniel. Naging masaya ang kanilang pagsasama na umabot sa limang taon pero sa tagal ay parang may nag bago sa lalaki mula sa pagiging mapagmahal naging maiinitin ang ulo, lasingero at kung minsan ay sinasaktan niya na ang nobya pero kahit ganon ay tinitiis niya lang ito dahil mahal na mahal niya si daniel. ano nga ba ang nangyari kay daniel at bigla itong nagbago? hanggang kailan kaya matitiis ni elnie ang kanilang TOXIC LOVE?All Rights Reserved