🌈 Rainbow Deck 🌈
📖 Bearer Series II 📖
"This is the Prequel Story of Jian: The Book Bearer..."
"The Second Installment of Bearer Series."
Nasaksihan natin ang pakikipagsapalaran ng kasalukuyang Bearer ng Libro, si Jian Louis Madrigal...
Ngayon, sama-sama naman nating kilalanin at saksihan ang naging buhay pakikipagsapalaran ni Andress, Ang Puting Liwanag.
=====ו×=====
Isinumpa. Iyan na ang nakalakihan ni Andress na bansag sa kaniya ng kaniyang mga ka-baryo. Dahil sa taglay niyang kapangyarihan na sakupin ang isipan at diwa ng mga nilalang sa kaniyang paligid, naging masalimuot ang naging unang labing-anim na taon ng buhay ni Andress. Yakapin man niya ang kamatayan na paulit-ulit nang humahaplos sa kaniya, ang tungkulin na nakatakdang iaatang naman sa kaniya ang palaging humihila sa kaniya upang manatiling buhay.
Sa kamalasan na dala ng kaniyang kapangyarihan na tinatawag niyang sumpa, nangako si Andress sa kaniyang sarili na wala ng papapasukin na kahit na sinoman sa kaniyang buhay. Ngunit ang pangakong ito ay nasira nang dumating ang isang binatang nagsilbing ilaw niya sa kaniyang madilim na lugar na kinasasadlakan; ang pagdating ng "Pulang Mandirigma ng Kanluran" na nagngangalang Enthon.
Sa pagdating ni Enthon sa buhay ni Andress, unti-unting niyang nakilala ang tunay niyang pagkatao at unti-unti rin siyang nakalaya sa mahigpit na gapos ng madilim na nakaraan at tuluyang yakapin ang kapangyarihang minsan niyang tinawag na "sumpa" na para sa mga tulad niyang Biniyayaan ay itinuturing namang "regalo".
Ang pagtanggap ni Andress sa kaniyang sarili at pagpapatawad upang makalaya sa masalimuot na alaala ng nakaraan sa tulong ni Enthon ang magbubukas ng panibagong pahina sa kaniyang kwento. Ang liwanag ng kapangyarihan ni Andress ay hindi pangkaraniwang bagkus ay itinakda na upang maging bagong simbolo ng Pag-asa- upang maging bagong Tagahawak.
"Spreading Love and Laughter.."
- Smiling_Ace | JhayemmJVR -
Ang pangalan niya ay Je'ir,isang matapang at malakas na manlalaro sa larangan ng mahika't pisikal na lakas.Bantog ang pangalan niya sa buong lupain ng Xem dahil sa kaniyang angking galing.
Dahil sa kaniyang katanyagan,maging ang mga maharlika't mayayamang tao sa nasasakupang lupain ay nagkaroon ng pagtatangi sa binata lalo na ang prinsipe ng Xem na nagngangalang Prinsipe Nathañl.Labis itong nasisiyahan sa paraan ng pakikipaglaban ng binata.
Paano kung ang susunod na hari ng lupain ay mahumaling sa isang manlalaro ng lupain at hahamakin ang lahat mapasa-kaniya lamang ito?.
At paano kung ang isang mahusay na manlalaro ay nakatakdang baguhin ang mundo ng Mythikos.