Ella's scheming, Prince charming Book 3: EllaAndNoah ❤️ Teaser: " And I want to tell you that I'm willing to give you a half a million pesos if you would act as my girlfriend for a month." Pakiramdam ni Ella ay kusang bumagsak yata ang panga niya sa narinig. Heto sa harap niya ngayon ang prince charming niyang ilang araw niya ng napapanaginipan tuwing gabi at inaalok siyang maging girlfriend nito at babayaran pa siya nito ng kalahating milyong piso bilang kapalit? Parang napaka-suwerte niya naman yatang nilalang. Para siyang tumama sa lotto. Hitting two birds with one stone kumbaga. Matutubos niya na ang bahay at lupa nilang nakasangla magiging jowa niya pa ang prince charming niya. Nananaginip ba siya? Kinurot niya pa ang pisngi para makasigurado. Nang masaktan ay napagtanto niyang totoo nga ang nangyayari. "Ella?" untag sa kanya ni Noah. Ngumiti si Ella nang makahuma at sunod-sunod na tumango. "Oo, pumapayag ako. Payag akong maging girlfriend mo." Puno ng kumbiksiyon na saad niya. Hindi naman na dapat pag-isipan pa. Basta usapang pera go siya lalo na't may problema siya sa tungkol sa pera ng mga sandaling iyon. Tumaas ang isang sulok ng labi ni Noah. Hindi niya alam kung nagustuhan nito o naasar ito sa sagot niya. "Good. But you have to promise me one thing." Napakunot-noo siya. "Ano 'yon" "Don't you dare fall in love with me. No strings attached. This is pure business. We cant mix business with pleasure." Napanguso si Ella. Ku! Napaka-arte naman yata ng princeharming niya. Akala niya na pa naman naka-jackpot na siya dahil may kalahating milyong piso na siya makaka-tsantsing pa siya sa prince charming niya. ing mag-jowa na sila ay unli hawak at unli- tsantsing nalang ang gagawin niya kay Noah. Pati katawan niya ay i-offer niya bilang extra service. Libre pa! He-he!All Rights Reserved