Bakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba paminsan nahuhulog tayo sa mali? Bakit once mainlove tayo ng todo, nakakalimutan na natin ang lahat? Bakit paminsan ang hirap pigilan ng emosyon? Pero maituturing mo bang isang pagkakamali ang nag-iisang taong walang ibang ginawa kundi ang pasayahin ka sa bawat oras na kasama mo sya? Malamang hindi. Dahil para satin, kapag nagmamahal tayo ng todo, hindi na natin makikita ang mali. Lalo na kung ang pakiramdam natin ay tama.