I woke up early because its our special day. It's our 5th monthsarry today! I can't wait to see him. Ano kayang ginagawa nya? Kinuha ko ang phone ko at tinawagan agad siya. Naka limang ring bago nya sagutin. Dati naman hindi siya ganun? Baka tulog pa. "Hi Love! Naistorbo ba kita?" masiglang bati ko sa kanya. "No. Bakit ang aga aga mo tumawag?" nagulat ako sa sinabi nya. Ilang araw na siyang ganito, feeling ko lumalayo na loob nya sakin. Nagiging cold na din siya. Siguro may surprise siya sakin. "Alam mo ba kung anong araw ngayon love?" "Hindi. Wala namang ganap ngayong araw Marvoree" isa din yan sa napapansin ko. Hindi na nya akong tinatawag na love. Kahit nasasaktan na ako, alam ko naman na may surprise siya. "Monthsarry natin ngayon! Happy 5th monthsarry love! I love you!" masiglang sabi ko. Pero wala akong natanggap na sagot. "Love? Nandiyan ka pa ba?" "I'm sorry Marvoree. I don't want to do this but I'm breaking up with you. Take care" and he ended the call. Hindi agad ako naka recover sa sinabi nya. Alam ko joke joke nya lang ito. Tinawagan ko ulit siya pero nakapatay na ang phone nya. Umiyak ako ng umiyak. Inubos ko lahat ng luhang mailalabas ko. Pilit kong iniisip kung bakit nya ako iniwan. Nangako siya. Nangako sya pero hindi nya tinupad. May pangarap pa kami. Kaso nawala lahat. Wala na. "Ano bang kulang sakin? Shit. Ang sakit kasi ih. Binigay ko naman lahat diba? Hindi ba ako maganda? May iba ba siya? Bakit ganto!!!!" sigaw ko. Nang biglang bumukas ang pinto nakita ko si kuya na nag aalala. Mabilis nya akong nilapitan at niyakap. "I know what happened princess, I'm sorry. Kuya is here. Nakita kitang umiiyak kanina pero hindi muna kita nilapitan kasi alam kong gusto mong mapag isa. I'm sorry. I'll protect you. That bastard is a jerk. It's okay princess kuya is here." at humagulgol na ako sa balikat ni kuya habang yakap yakap nya ako. And yes, that is my painful past.