Rainbow After The Catastrophe [Boys Love- Completed]
25 parts Complete SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE
~•~•~•
PIP Boys' Love Collaboration Series (Batch-)
~•~•~
Noong taong isang libo, walong daan at animnapu't pito, habang ang ating bansa, ang Pilipinas, ay nasa ilalim pa ng panahon ng kolonya ng Espanya, ang homoseksuwalidad ay itinuturing na isang matinding kasalanan, kasiraan, salot ng lipunan, at isang hindi makataong gawain. Ang sinumang mahuhuling nakikipagtalik sa isang lalaki o babae sa kapareho nilang kasarian ay sasailalim sa malupit na parusang maaaring humantong sa kamatayan; maglalakad silang hubo't hubad at walang sapin sa paa, puputulin o susunugin ang kanilang mga ari at pupugutan ang kanilang mga ulo.
Si Tapioca Salvacion ay anak ng magsasaka. Iyan ang ikinabubuhay ng kanilang pamilya, ngunit hindi ito nagiging sapat sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sapagkat kadalasan ay sinasamantala ng mga sundalong Espanyol ang kanilang sakahan. Dahil doon ay napilitan siyang magtrabaho bilang hardinero sa pamilya Garcia, isang pamilya ng mga Kastila na naninirahan sa Pilipinas; isang maimpluwensyang pamilya kung saan ang bawat miyembro ay eksklusibong opisyal ng gobyerno.
Sa buwan ng paglilingkod sa nasabing pamilya, tila kinukuwestiyon niya ang sarili niyang damdamin. Kakaibang apeksyon, pagmamahal, kilig at kapayapaan ng loob ang kaniyang nararamdaman sa tuwing makikita niya si Heneral Isidro Garcia, ang anak ng amo niyang si Fredo Garcia, ang Gobernador-heneral ng bansang Espanya.
Dahil nakatira sila sa iisang bubong, kaagad silang nagkasundo at nagkapalagayan ng loob sa isa't isa hanggang sa ang simpleng pagkakaibigan ay nauwi sa hindi maipaliwanag na pagtitinginan. Ngunit maaari nga bang magkaroon ng lugar ang kanilang pagmamahalan sa pagitan ng ipinagbabawal na relasyon? Paano kung ang kanilang pag-iibigan ay mauwi sa isang masaklap na kamatayan? May pag-asa ba na masisilayan pa rin nila ang bahaghari pagkatapos ng sakuna?