Sa mundong ating ginagalawan walang bakas ng kapangyarihan, batas ang umiiral, gobyerno ang namumuno. Hindi lingid sa ating kaalaman, may mundong nababalot ng misteryo, puno ng kapangyarihan. Iniimbitahan kita na sumama sa mundo ng mga Diyos at Diyosa. Sa mundong pinamumunuan ng mga makapangyarihan. Sa mundo ng hiwaga, sa mundo na ang paniniwalaan mo ay hindi laging tama. Sa mundong ikaw ang susulat ng sarili mong isturya.