Isang transferee student si Jon Bon Jovi at minsan nang nangarap na maging isang sikat na rock star singer. At sa kanyang pag lipat sa bagong paaralan, hindi nagtagal ay napapansin na siya ng ilang mga kababaihan dahil sa kanyang karisma ng dating at magandang ngiti, nakapagpadagdag pa sa pagpapkilig nito ang ang husay ng binata sa pagkanta, ngunit hindi lahat ng mga kababaihan ay hinahangaan siya. Yun ay si Dorothea Hurley, isang simpleng mag aaral, boyish at binansagang "the petit tiger" dahil sa dating niyang pagkamasiga at pagkamasuplada, bagamat payat ang katawan, kayang kaya niyang patumbahin ang mga malalaking tao ng ilang segundo, kahit pa ang anak ni Taguro. Siya lang naman ang pinakamagaling sa pag Karate sa buong paaralan. Ngunit, paano kung magtagpo ang landas ng isang Rakista at ng tinaguriang Tigre ng paaralan? Magiging maganda kaya ang kanilang tadhana?
2 parts