Marami ang nagsasabi na napakasuwerte ni Katrina Navarro. Bukod sa nanggaling sa mayamang pamilya at isang matagumpay na negosyante, nagtataglay din siya ng malaanghel na mukha. Pero sa kabula ng lahat ng iyon, may isang madilim na sekreto na bumabalot sa kanyang pagkatao: miyembro ang pamilya niya ng isang underground organization - ang Black Lotus. Pinalaki siya ng kanyang papa na walang puso. Hindi nakakaramdam ng awa. Lumaki siyang sumusunod sa anumang sabihin ng ama. Pero nagbagi ang takbo ng buhay ni Katrina nang makilala si Travis. Ipinaramdam nito sa kanya kung paano mabuhay nang normal. Kung paano maging masaya sa simpleng bagay. Kung paano magmahal. Pero alam ni Katrina na panandalian lang ang kaligayahang iyon. Dahil siguradong hindi matatanggap ni Travis ang tunay niyang pagkatao. At hindi rin matatanggap ng kanyang ama kapag nalaman nito ang tungkol sa binata. Ayaw niyang mawala si Travis sa kanya. Pero wala siyang pagpipilian. Siguradong malalagay lang sa panganib ang buhay ni Travis dahil sa kanya...All Rights Reserved