Mga isiping hindi mo masisid,
mga salitang may puwang lamang sa kaibuturan ng karagatan ng utak.
Ipaliwanag mo man ay hindi sapat,
sapagka't sa mundong ito
walang sapat ni katapat.
Paano kung makita mo ulit ang muka ng taong mahal mo sa iba? Mamahalin mo rin ba ito? O bibigyan mo ng panibagong pagkakataon ang iyong puso para muling makaranas ng pagmamahal sa iba?