RUM was armed and ready to shoot the moment that he heard a sound. Wala siyang pakialam na kalalabas lang niya sa shower. At lalong wala siyang pakialam na wala siyang suot na kahit ano. "Stand down, soldier," wika ng isang boses lalaki. Nagpalingon-lingon siya sa paligid pero wala naman siyang nakita. "Just cover your ugly ass so we can talk." Noon na nagrelax si Rum. Nakilala na kasi niya ang boses na iyon. "Stone." "Hanggang ngayon ba naman ay hilig mo parin ang pagiging exhibitionist." Napapailing na kinuha niya ang nakasabit na tuwalya. Pero hindi pa rin niya binitiwan ang hawak na baril. "Ano'ng kailangan mo?" "Ikaw." Umangat ang isang sulok ng mga labi niya. "I thought you already got married." "Ulol!" Mabilis na gumalaw ang isang kamay ni Rum para saluhin ang bagay na ibinato sa kanya ni Stone. Napailing siya nang makilala ang sariling medyas. Ibinato lang niya iyon sa sahig bago hinarap ang kanyang bisita. "Sigurado akong hindi ka nagpunta dito para lang testingin ang reflex ko. So, ano ang ginagawa mo dito, Stone?" "I have a mission for you." "Mission?" interesadong tanong niya. "Actually, it's more of an assignment."