" Sinabi ko ang lahat sa'yo dati...at di ko inakalang kapalit nun ay ang muntikan mong pagkawala sa amin. Kaya kahit makasarili pakinggan, di ko pa magagawang ikuwento ulit sa ngayon. Isipan mo man ako ng masama wag ka lang tuluyang mawala. Wag ka lang kunin ng lubusan mula sa akin, anak ko." Di lubos maisip ni Natsumi kung bakit pilit na tinatakasan ng kanyang ina ang nakaraan nito. Di nito ikwenikwento ang buhay pagkabata hanggang sa mga panahong ito'y nagdalaga liban na lamang kung kinukulit niya ang ina, pag may sagot naman ay sobrang ikli o di kaya ay iniiba ang usapin. Maging ang lolo at lola niya ay di kailanman nabanggit ng kanyang ina. Kung saan, sino at ano na ang nagyari sa mga ito ay di nila napag-usapan. Higit sa lahat di niya matandaan kung ano ang mga wangis ng mga ito. O sabihin na nating di niya talaga ito nakilala sa personal. Labis siyang naapektuhan sapagkat siya ay nag-iisang anak, pakiramdam niya ay pinagtataguan siya sa katotohanan. Sa katagalan ng panahon ay inisip na lamang niya na baka wala naman talagang dapat pag-usapan ukol sa mga ito. Madalang na lamang kung ang mga ito'y sumagi sa kanyang isipan ngunit nabuhay ulit ang kanyang kagustuhang makita ang mga ito nung payagan siyang magbakasyon sa Pilipinas. Dito nakilala niya si Kade at ang tiyuhin, mga kaibigan at ang mga mamamayan sa isla. Nagkaroon siya ng masasandalan sa katauhan ng binata. Magkakaroon kaya siya ng kakampi sa pananatili sa lugar na kinalakihan ng ina? Si Kade kaya ito? Isa ba siyang tunay o nagbabalat kayo lamang? Ano kaya ang kanyang matuklasan sa itinatagong nakaraan? Let's read(: Taglish po ito ********Warning: THIS BOOK CONTAIN FOUL LANGUAGES & VIOLENCE **************All Rights Reserved