sa hindi ko inaasahan, habang naglalakad ako sa daan, malakas ang ulan, nakakakita ako ng isang puting pusa na nakahandusay sa daan, at dahil dakila akong mahilig sa pusa ay kinupkop ko ito , sa una ay nagtaka ako dahil parang may sarili itong pag iisip, pag kasabay ko maligo ay tinatakasan ako na parang ayaw niya akong makasabay, minsan namumula nalang ito, nahihimatay o di naman kaya ay nilalagnat, pag pinapakain ko ay ayaw niya sa mga tira tira, maarte ito sa pagkain at ang gusto niyang pagkain ay ang mismong kinakain ko, pag iniisip ko para siyang kakaiba sa lahat ng pusa, until such time na napamahal na ako sa pusa ko at pinangalan ko siyang pochie, sa hindi ko inaasahan, isang araw ay may tumigil na isang limo sa harapan nang bahay, at sinasabi nila na may nag mamay ari sa pusa na aking inaalagaan, boss daw nila ang may ari ng pusa at ang mas hindi ko inaasahan ay siya ang may ari ng kompanyang pinagtratrabahuhan ko.