Nakikita niyo siya bilang isang normal at tipikal na babae. Hindi maganda pero hindi rin naman pangit. Mukhang maamo naman, pero demonyita talaga. May pagka-pilya. Sinong may gusto non?! Baka nga pag tinanong mo ay puro pagsusungit lang ang isagot sayo. Tsk. Mas gusto ko iyong mahinhin at parang dalagang pilipina. -------------------- Nakikita niyo siya bilang isang anghel na bumaba sa lupa. Sinalo ba naman ang lahat ng kagwapuhan sa mundo? Yung mukha nito.. yung tipong mapapa-second look ka? Ganon! Ganon ka-gwapo! Tapos naglilingkod pa sa Panginoon? Jusmiyo, ikaw na, ikaw na! -------------------- Paano nga ba kung biglang pagtagpuin ng tadhana ang isang anghel at isang demonyita? May hahadlang ba sa pagkakaibigan nila dahil lang sa pagiging magkaiba ng dalawang ito? Pero paano kung ang isa sakanila ay mahulog nang tuluyan sa isa pa? Papayagan kaya ng mundo? Ito ang kwento ng isang demonyitang binisita ang mundong ibabaw pati ng isang anghel na bumaba mula sa langit at nagkrus ang kanilang landas.
3 parts