Sa Pagsapit ng alas sais ng gabi, kung saan ang kalangitan ay Nagiging kulay dugo dahil sa nag-aagaw na liwanag at dilim, kailangan na ni Kristiana makatagpo ng tagong lugar kung saan magpapalit na naman siya ng anyo at pansasamantalang mawawala ang kamalayan sa mundo. At sa pagkawala ni Kristiana ay siya namang pagkagising ni Angelique sa kamalayan. Magkaibang Babae. Magkaibang mukha. Magkaibang katawan. Ngunit maghahati sa oras at panahon na magdadaan sa kanilang mga buhay. Ngunit paano kung pati pag-ibig ng isang lalaki ay kanilang paghatian? At ano ang mangayayri kung isang Responsibilidad ang nakakabit sa pagkatao ni Angelique, at sa kamay niya nakasalalay ang kaligtasan at kapayapaan ng mundo? Ano ang naghihintay sa kapalaran ng kambal na ipinanganak sa ilalim ng sumpa ng buwan?All Rights Reserved
1 part