Story cover for HULM by AncientPhilosopherV
HULM
  • WpView
    Reads 199
  • WpVote
    Votes 21
  • WpPart
    Parts 13
  • WpView
    Reads 199
  • WpVote
    Votes 21
  • WpPart
    Parts 13
Ongoing, First published May 26, 2019
Pag-ibig ang pinakamakapangyarihang bagay dito sa daigdig. Maraming tao ang sumaya, nalungkot, nagtanim ng galit, namatay, pumatay, natukso, at nagbuwis ng buhay para rito.

     Pero bago ko simulan ang kwento, mag-iiwan muna ako ng mga katanungang dapat mong sagutin sa sarili mo:

      Para sa iyo, ano ba ang pag-ibig? Ano ba ang handa mong gawin para sa pag-ibig? Handa ka bang talikuran ang lahat para sa pag-ibig? Ipaglalaban mo parin ba ang iyong minamahal kahit na alam mong ito ay mali?

      Kung ako ang tatanungin, para saaakin ang pag-ibig ay isang sakripisyo. Kung ikaw ay umiibig ay handa ka dapat gumawa ng mga bagay na kailan man ay hindi mo pa nagagawa. Kung ikaw ay umiibig, handa ka dapat sumugal, handa ka dapat na talikuran ang lahat masunod lamang ang isinisigaw ng iyong puso. Kung ikaw ay umiibig, magiging tama ang mali at makagagawa ka ng mali na inaakala mong tama.

      Nasabi ko na ang aking pananaw tungkol sa makapangyarihang pag-ibig. Nararapat lamang na simulan ko na ang aking kwento.

      Ako si Ernesto, isang grade 12 student na nagpasyang tahakin ang HUMSS strand. Malamang ay iniisip ninyo na ang dami kong alam tungkol sa pag-ibig. Sa katunayan, marami na nga akong karanasan sa pag-ibig. Mayroon bang maniniwala kung sasabihin kong nagkaroon na ko ng higit sa sampung kasintahan? Marahil ay walang maniniwala ngunit iyon ay totoo. Alam ko na maraming nagsasabing babaero ako. Oo, inaamin ko iyon. Wala pa akong sineseryosong babae. Gusto ko lang makipaglaro sa kanila, kumbaga ay pampalipas oras lang. Mali man sa paningin ng iba pero ito ako, ipinapakita ko sa lahat kung sino ako at ayaw kong maging mapagkunwari.

        Sa kabila ng lahat, naranasan ko paring umibig ng totoo. At nagsimula iyon noong makita ko siya.
All Rights Reserved
Sign up to add HULM to your library and receive updates
or
#551shortstory
Content Guidelines
You may also like
BOOK 2: When Mr. Sungit Fall COMPLETED by Clousetoyou101
43 parts Complete Mature
Paano mo haharapin ang isang taong nanakit sayo noon? Kaya mo ba siyang patawarin? Maniniwala kapa ba sa kaniya? Kaya mo bang kalimutan ang lahat ng pinagdaanan niyo? Hanggang saan ang tigas ng puso mo? Matitiis mo ba siyang pahirapan? Hanggang saan ang kaya mo para lang ipakita sa kaniya na wala na siyang halaga? Kaya mo bang makitang nagmamakaawa siya sayo para lang maniwala ka? O Maging matigas kaba kasi sobra kang nasaktan noong minahal mo pa siya. Kaya mo bang palitan siya sa puso mo? O Tatakbo ka pabalik para lang sabihin sa kaniya na mahal mo pa siya? Kaya mo bang ipaglabana ang pag-iibigan niyo? Hanggang saan ang tapang niyo para lang ipaglaban ang pag-ibig na matagal niyo ng inaasam. "Kaya Kong lokohin ang sarili ko na Hindi kita mahal pero hindi ko kayang lokohin ang puso ko na ikaw lang ang nilalaman, nasaktan kita noon pero sana inisip mo rin ako, oo nag sinungaling ako pero lahat ng iyon ay para lang sa kapakanan mo, pakinggan mo naman ang mga explanation ko kahit isang beses lang kasi ikaw at ikaw parin Hanggang ngayon, Asan na ang Ms makulit ko?" (Mr.Sungit) "Minahal kita ng sobra pero nakuha mo paring maghanap ng iba para saan pa ang explanation kung sa Simula palang malinaw pa sa sinag ng araw ang mga kasinungalingan mo, minahal kita ng tapat pero bakit Hindi parin sapat, Bakit ang sobrang Sungit mo ikaw nanga itong nag sisinungaling ikaw pa ang may ganang mag Sungit kay sarap moring halikan eh.(Ms.Makulit) Love does not begin and end the way we seem to think does. Love is a battle, love is a war, love is a growing up. Kung Mahal mo patunayan mo. Hanggang saan ang tapang nila para lang patunayan na mahal nila ang isat-isa. Kaya ba nilang suwayin ang patents Nils? Hahayaan nila ang mga ito na oangunahana ang mga decision nila. Love or Revenge?
First Love vs. True Love by Adelaine Yawyawil by MsAdelaineY
15 parts Complete
SYNOPSIS Darating sa buhay natin na minsan kailangan natin mamili, na kailangan natin magdesisyon. Sino nga ba?, Ano nga ba? Ano ang Tama?, ano ang Mali?, Alin ba ang dapat masunod, Isip ba o Puso? Ikaw ba o ang mga taong nakapaligid sa iyo? First love mo o ang True Love mo? Swerte ka kung ang First love mo ay ang True Love mo, wala kang problema. Pero paano kung dumating sa buhay mo na kailangan mo mamili? Sino o Ano ang pipiliin mo? Kaya mo bang sagutin? Kaya mo bang panindigan? Isipin mo.. kung magkaiba ang FIRST LOVE at ang TRUE LOVE mo, isipin mo sa first love mo dito ka natuto, siya ang nagbigay sa iyo ng unang tamis at pait ng pag-ibig. Isang karanasan hinde mo makakalimutan, Isipin mo ang True love mo ay ang taong nagparanas sa iyo ng kakaibang pakiramdam, na nagparanas sa iyo na hinde ka nag-iisa, na nagparanas sa iyo kung ano talaga ang kahulugan ng pag-ibig. Na kahit anong mangyari, nanatili pa rin itong nakaukit sa puso mo, masakit man o masaya ito. Isang Simpleng dalaga lang si Yani na naghihitay na makaranaas na umibig. Hinde niya akalain sa pagpasok niya sa bagong trabaho, magbabago ang kanyang buhay. Dito niya nakilala si Julian, ang kanyang boss, na sa unang pagkikita pa lang nila nag-iwan na agad ito ng hinde magandang ekspresyon. Hinde rin niya akalain dito niya uli makikita ang unang taong nagpatibok sa matigas niyang puso. Akala ni Yani, na kapag nagmahal ang dulot lang nito ay walang hanggang kasiyahan, pero nagkamali pala siya, napagtanto niyang "Mahirap pala at masakit ang magmahal". Samahan ninyo akong pumasok sa kanilang mundo,at sabay sabay tayong mag-isip, Sino nga ba ang dapat piliin FIRST LOVE o ang TRUE LOVE?
"So, It's You!" (GxG) by supergirl297
42 parts Complete Mature
Warning!! Girl to girl story°°° Ang kwentong ito ay tanging kathang isip lamang po sa malikot kong imahinasyon... Magka ibang magka iba ang buhay na kinalakhan ni Laura at Monica.. Lahat nang hilingin sa magulang ay binibigay kay Laura, laki sa marangyang buhay.. LAHAT ay gagawin makuha lang ang gusto nya, makuha lang ang babaeng pinakamamahal nya na walang iba kundi ang best friend nya... Kaya lang, ginawa na nya ang lahat pero bigo parin sya. Naging masama na sya, naging makasarili. Pero sabi nga nang iba walang magtatagumpay sa pag kuha nang isang bagay kung mali ang ating pamamaraan.. kung galing sa kasamaan.. Kaya naman pinilit nalang nyang tanggapin ang kanyang pagka talo ang kanyang pagka bigo. umaasang isang araw mawala na yung sakit yung sugat na dulot nang pagka bigo sa pag ibig.. Sa kabilang banda, itong si Monica ay laki sa hirap. Patuloy na kumakayod para maitaguyod ang kanyang pamilya ni hindi man lang nakatuntong nang kolehiyo. Maagang banat sa buto ni hindi alam ang salitang love life ..nah! Wala yun sa kanya. Hindi ka mahubuhay nang love na yan kong paglipas nang araw pareho lang kumakalam ang inyong sikmura. yun ang madalas nyang katwiran.. Kung mag aasawa man daw sya yung kaya na syang buhayin kasama buong pamilya nya. Masyado daw syang ambisyosa sabi pa nang iba.. Yun ang katwiran nya eh! Walang sino mang makaka bali nun.. Kung tadhana na ang gumawa nang paraan para magtagpo ang kanilang landas. May possibility ba na mahulog ang loob nila sa isa't isa.! Napaka imposible. PAANO KUNG HULI NA. Huli na nang marealize nilang may nararamdaman na pala sila sa isa't isa... *Do not steal my stories.. PLAGIARISM is at crime*
"Only For You" (gxg) by supergirl297
40 parts Complete Mature
Girl to girl story: Hi guys, by the way I'm Shaiane Cabrera (Macarena Achaga). Namulat sa isang marangyang buhay, hindi ko pa nga hinihingi ay ibinibigay na at sobra sobra pa.. Nakatapos sa pag aaral may propisyon pero ayaw naman akong magtrabaho nang aking mga magulang. Ang rason- may brain tumor kasi ako noong bata ako at sumabak sa matinding operation na halos ika kitil na daw nang aking buhay. sampong taon na ang nakaka lipas. Kaya sobrang protective nila sa akin.. Andito lang ako sa resort namin sa isang isla dito sa Palawan, kasama ko lang nang madalas ay mga maids.. Ni bibihira akong dalawin, parehong abala sa negosyo ang parents ko sa kani-kanilang negosyo. broken family din kasi ako.. Actually wala akong kahit anong memory noong kabataan ko, burado lahat. Ang sabi nang Mama ko dahil daw yung sa sakit ko.. Kaya pakiramdam ko may kulang sa aking pagka tao. Sabi kasi nila pinakamasasayang balik balikan ay alaala noong kabataan, kaso wala ako nun. pinagkait nang naging karamdaman ko ang bagay na yun. Sabi pa ni Mama, huwag ko na daw piliting alalahanin ang lahat nang yun. Pasalamat daw ako sa puong may kapal dahil naka survive ako sa sakit ko. Hanggang sa isang pag ibig ang basta nalang dumating sa malungkot kong buhay. Siya si Jhake Suarez. isang engineer na syang may hawak sa proyektong ipapa tayo kong hotel dito sa resort. unang kita ko palang sa kanya, unang nagtama palang ang aming mga mata. kakaiba na ang aking naramdaman. Pakiramdam ko kilalang kilala ko ang mga matang iyon. Parang-- parte sya nang aking kabataan..parte na sya nang aking pagka tao. Warning!!! ...... Do not steal my stories,PLAGIARISM IS A CRIME..
You may also like
Slide 1 of 10
Dear Jasper cover
BOOK 2: When Mr. Sungit Fall COMPLETED cover
First Love vs. True Love by Adelaine Yawyawil cover
MINE❤️ [Completed] cover
DAMAGED LOVE  cover
"So, It's You!" (GxG) cover
Inlove with a PROVINCE GIRL cover
"Only For You" (gxg) cover
The Love Unwanted cover
A Four-Year Installment [SHORT-STORY] cover

Dear Jasper

12 parts Complete

Marahil iniisip niyong isa na namang napakanormal na kwento. Isang pangyayaring halos araw-araw niyo nang nakikita, nababasa o nababalitaan sa kung saan-saan. Marahil nga tama kayo. Marahil. Ngunit sa kabila nito, ninais ko pa ring isulat ang kwentong ito. Isang normal na kwento. Sobrang normal. Walang pinagkaiba sa mga kwentong madalas niyo nang nababasa. Ngunit bago niyo sana ikumpara ito, ay basahin niyo muna. Pakatutukan ang bawat titik na pinagkahirapan kong tipahin. Hindi ako nagmamakaawa. Humihiling lamang ako ng pabor. Pag-aksayahan niyo kaya ng panahon? Hindi ko alam. Hindi ko malalaman. Siguro. Baka hindi rin naman. Pagkatapos ng lahat wala na. Wala na kayong maririnig sa akin. Mananahimik na ako. Kwento ko at ng matalik kong kaibigan. Ang aming magulong pag-iibigan. Hindi. Ang aking magulong pag-ibig. - Tanya Valderama Cruz ------------------------------------ Story by LuckilyLucky