
Si Ashton Alexander Lim ay gwapo, matalino, mayaman, pero isang dakilang hambog na isang CEO ng isa sa mga pinakamalaki na kumpanya ng wine sa buong mundo ang Wine Company na pagmamay-ari ng parents niya. Maayos naman ang buhay niya pero dahil nga sa taglay niyang kahambugan ay nainis sa kanya ang isang diwata na sa paningin niya ay isang bruha at pinarusahan siya. Nagmakaawa siya sa diwata na wag na ituloy ang parusa sa kanya. Nakumbinsi naman niya ang diwata ngunit binigyan siya ng isang misyon. Kailangan niyang paibigin ang babaeng si Alexiah Averine Hart para hindi maituloy ang sumpa ngunit kapag pumalpak siya ay itutuloy ang sumpa. Si Averine ay ang sikat na sikat na model sa buong mundo na mag-e-endorse ng product nina Ashton na wine. Dahil nga mataas masyado ang tingin ni Ashton sa sarili niya ay inakala niyang hindi siya mahuhulog sa dalaga. Kaya hiniling niya na kapag natapos na ang misyon niya ay makalimutan siya ni Averine dahil hindi naman daw niya masusuklian ang pagmamahal ng dalaga sa kanya. Hindi alam ng marami na ang hinahangaan nilang sikat na model na si Averine ay suplada at mataray na ang makakaalam lang ay si Ashton. Matiis kaya ng hambog na si Ashton ang kasupladahan at katarayan ni Averine? Matatapos niya ba ang misyon niya o matutuloy ang parusa? Paano na kung mahulog siya sa dalaga at mahulog din sa kanya ang dalaga? Paano na ang kasunduan nila ng diwata na kapag natapos na ang misyon ay makakalimutan siya ni Averine? Paano na ang pagmamahalan nila?All Rights Reserved
1 parte