'Anak kailangan na nating bumili nang gamot ng papa mo.'
'Ate, sinisingil na ko nang admin. Bayad daw sa tuition fee namin.'
'Ate, pahingi pambayad sa field trip.'
'Ate, pahinging pera, may project kasi ako.'
'Par, paubos na gatas ni Letlet. Peram naman ako dyan.'
'Anak, wala na tayong bigas'
Sa edad kong biente anyos, ako na ang pumupuna sa mga pangangailangan ng mga kapatid ko at dito na rin sa bahay. Ako na ang umako sa responsibilidad ni Papa na embis si Kuya Dave ang dapat gumawa kaso nag-asawa ng maaga.
Gagraduate na sana ako nang college kaso nahinto nung magkasakit si Papa kaya kailangan kong tumigil para magtrabaho.
Oo, nahihirapan na ko, sobra pero kailangan kong tiisin para sa kanila. Lalo na at may tatlo pa kong nakababatang kapatid na pinapaaral.
Hindi sapat ang sweldo ko sa pagiging isang waitress sa isang cafe tuwing umaga at waitress din sa isang mamahaling restaurant sa gabi para matustusan ang lahat ng pangangailangan nila. Ngunit wala akong ibang mapasukang legal maliban sa trabahong ito.
Hanggang sa nakilala ko ang mag-asawang Johanson na naging regular customer namin sa Kusina ni Nanay, ang restawrang pinagtatrabahuan ko.
Inalok nila ako nang isang bagay na alam kong makakaahon samin ng pamilya ko sa kahirapan. At yun ang maging asawa ng panganay nilang anak na si Andrius Johanson.
Isang impyerno sakin ang tumira at maging asawa ni Andrius. Araw-araw pinapakita nya sakin kung gaano sya kademonyo.
Kasalanan ko rin naman dahil tinanggap ko ang offer ng mag-asawa.
Gustohin ko mang umalis na sa poder ni Andrius ngunit di pa tapos ang kontrata. At aaminin ko rin na sa loob ng ilang taon naming pagsasama, ay natutunan ko na rin syang mahalin.
Naging maginhawa ang pamumuhay ng aking pamilya, ngunit kabaliktaran naman nun ang dinanas ko sa kamay ng aking mahal na asawa.
Mahal ko sya ngunit di ko na kaya ang pinaggagawa nya.
-----
WARNING:
Errors ahead. Feel free to correct me especially in terms of my grammar and spelling.
Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)
70 parts Complete
70 parts
Complete
She's a servant of the church with pure
and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance to their love?
-
Published under KPub PH.