Muse and Bench were the best of friends since birth. Buong buhay ni Muse ay si Bench ang kasama niya at hindi na yata sila mabubuhay kung wala sa piling ng isa't-isa. Kahit ang mga nakapaligid sa kanila ay walang ibang ginawa kundi ang i-matchmake silang dalawa, Muse and Bench knew better. Mula pa noong umpisa ay alam nila kung hanggang saan lamang ang limitasyon ng kanilang samahan-lalong-lalo na sa parte ni Muse. They swore never to lose their friendship over love. She'd rather stay single than be committed with Bench more than she allowed herself to. Para kay Muse, si Bench ay nakahilera sa mga lalaking para sa kanya ay kinakaibigan lang. And for so many years, she had done well.
But not until some Chesca Almario came... Tinamaan kaagad dito ang kaibigan niya. At dahil magkakilala sila ni Chesca ay siya ang nagsilbing "bridge" sa dalawa. And being the bestfriend she was, she supported him all the way. Tinulungan niya si Bench para makuha ang loob ni Chesca. Ginawa niya ang lahat ng dapat gawin ng isang matalik na kaibigan na laging maaasahan.
She did great, then. She had been successful playing Cupid. Pero may isang bagay naman siyang hindi napagtagumpayan.
Because in the middle of the story, Muse broke her promise and falls in love with Bench...
" Noon pa man, dapat alam mo na iyon. Hindi ko man sabihin sa 'yo, dapat alam mo na. Hindi kita uuwian gabi gabi kung hindi kita mahal." - Keith Franco Torrealba