Pagkatapos mabigo, kakayanin mo bang magmahal muli? Kakayanin mo bang magtiwala? Handa ka ba na muling masaktan? "Hindi biro ang anim na taon kong relasyon. Sobrang sakit ang iniwan nito sa akin. Siya ang kasama kong bumuo ng mga pangarap, gumawa ng mga bagay na nag iwan ng marka sa aking pagkatao. Sya ang naging sandalan ko sa panahon na nanghihina ako, kaya inakala kong siya na... Pero bakit kailangan nyang magmahal ng iba? " - Mara Diana "Pero lahat ng sakit sa nakaraan, kakayanin ko bang maranasan muli? Matututunan ko bang buksan muli ang puso ko sa taong di ko aakalaing kakatok sa sarado kong puso?"All Rights Reserved