Ika nga ng iba, ang buhay ay isang paliparan. Kung saan milyon-milyong tao ang umaalis at dumadating. Pupunta sa isang lugar upang makalimot at makapagsimula ulit ng panibagong buhay at lilisanin ang lugar na dating minahal at nakasanayan. ***** Kilalanin ang nagtatago sa pangalang, Eleven. Namulat siya sa isang tahanan na unang tinuturo ang galit kesa sa pagmamahal. Ang lakas ng loob, determinasyon at tapang ang naging sandata niya upang makuha ang pabor ng mga kinatataasan at masungkit ang inaasam na parangal. Ngunit, dalawang linggo bago mangyari ang pagtitipon kung saan malaya niya ng makukuha ang parangal na pinagpaguran, nalaman niya ang katotohanan sa likod ng marahas at brutal na pagpaslang sa kaniyang pinakamamahal at natatanging lalaki sa buhay niya. Nilisan niya ang buhay na nakasanayan at pumunta sa lugar kung saan ay baon niya ang isang maleta na puno ng sama ng loob, poot at paghihiganti. Ngunit, sa paghahanap ng hustisya, paano kung may makilala siyang isang tao sa lugar na iyon na may kakayahang magpabago ng kaniyang mga hangarin? Paano kung matuklasan niya ang kailaliman ng pagkatao nito at maisip niyang magsimula ulit? At paano kung, ang hustisyang matagal niya ng hinahanap, panibagong pag-ibig ang kaniyang matatagpuan? Written in Filipino. © The photo that l used is not mine, credits to their rightful owner.