All I wanted to do before was to grab that Pinoy dream of landing a Job and wearing one of those magnetic ID's that left you breathless by automatically opening up that glass door of your big time office like magic. I was a clueless "Promdi" who was thrilled with talking elevators and guards who speak English better than your prof. in college. (Muntik na 'ko sumuka ng dugo noong sinabi ni Guard na "Sir, Please be aware that this is an English Only Zone.." Tinatanong ko lang naman kung sa'n yung CR. =)) I did not realize that the 4th of July would redefine the past Five Years of my life (Emo ko leche! Beer pa! Hahaha). It's been a splendid experience spending the last half a Decade of my life working with you! Especial ang mga tao na nakasalamuha ko rito gaya ng pagiging especial ko at ng especial Ensaymada ng Malolos! =)) BYE (B-e with, Y-ou, E-verytime) for now. ***************************************** >> Ito ang makabagbag damdamin kong "Good bye Letter" noong mga panahong bumukas na yung rehas ng bilangguan namin, at naghuhumiyaw na ng "freedooomm" yung diwa ko, habang binibigay yung "resignation letter" at sinasambit yung "resignation request" na minemorize ko pa sa harap ng salamin kagabi. Sa wakas makakalaya na 'ko sa buhay Call Center (Gusto ko sanang paniwalain ang sarili ko na natupad ko 'to. hahaha). Kung hindi mo pa nasubukang magtrabaho sa industriyang ito, hayaan mong pasilipin kita sa kung anu-anong anik-anik ang pinagagagawa ng isang inbound agent sa isang BPO Company. Ganito kasi 'yon.... ********************************************* May mga larawang kalakip sa panulat na ito na hindi sa'kin at ang "Karapatang Ari" ay ibinibigay sa kaukulang nagmamay ari ng mga larawang nagamit. All Rights Reserved January 2014 @jeyffermendezAll Rights Reserved