Tila hindi kayang irehistro ng utak ni Almar Villaber na ikakasal na ang one great at true love niyang si Song Joong Ki sa co-actress nitong si Song Hye Kyo. Ilang taon din niyang ginawang idolo ang lalaki. Ginawang santo sa kanyang mga panaginip at walang gabing di-pinagpuyatang panoorin ang lahat ng mga pelikula nito. Dala ng labis na pighati ay nagpakalunod siya sa alak. Ibinuhos niya ang lahat ng mga hinanakit sa naging pantasyang on-screen boyfriend at nangakong huli na ang kabaliwang iyon. Kaya ng dumating si Mr. Karamay sa katauhan ni Ricardo "Rick" Ilao, ay todo iwas siya. Bukod kasi sa may Jr. ang pang-dekada nobenta nitong pangalan ay hindi rin niya type ang status nito sa buhay - si Mr. Killjoy at Workaholic. Pero bakit nang minsang nalasing ang binata't naghubad ng salamin at t-shirt sa harapan niya ay parang nag-iba ang paningin niya rito. Naglaho si Ricardo the office-boy at nag-transform bilang si Ricardo the sexy and yummy. And good heavens, the old-fashioned man is tempting her...lunok-laway? O tatabi siya rito sa kama?All Rights Reserved
1 part