Sa mga dumaan na taon ay tumataas ang divorce percentage sa Pilipinas kaya naisipin ng gobyerno na gumawa ng bagong batas. Ang batas na ito ay Republic Act No. 14382 o ang tinatawag na "The String of Fate" kung saan sa edad na labing walo ay ibibigay sayo ang pangalan ng taong mapapangasawa mo. Ang mapipiling tao para sa iyo ay nakadepende sa ugali at talino ng sarili mo. Noong una maraming tao ang hindi sumang ayon dahil paano kung hindi mo gusto ang taong napili para sa iyo pero hindi tumagal ay wala na rin nagawa ang mga tao sa batas na ito.