Naniniwala ba kayo sa fairy tale? Iyong mayroong King and Queen. At syempre ay di mawawala ang Prince and Princess. Ang dami rin ng alam ko na ganyang stories, tulad ng The Frog Prince, Cinderella, Snow White and the seven dwarfs, Sleeping Beauty, Beauty and the Beast, Rapunzel at marami pang iba. Siguro ay masaya ang mabuhay na isang prinsesa ano? Iyong tipo na hindi ka padadapuan sa lamok, habang naglalakad ay may nakaalalay sa iyo, may taga punas din ng pawis mo at mayroon ding taga ligo. Pero parang nakaka ewww naman iyong last. Kung prinsesa man ako ay di ko na ipapagawa iyong lasts. Dati ay akala ko sa fiction lang ang lahat ng ito pero nagbago ang lahat ng makilala ko si Dwight Kurt Williams. Pangalan pa lang ay yayamanin na pero iyon ang totoo. Mayaman siya sapagkat siya lang naman ang nawawalang anak ng King Williams. Ang hari sa Everest Kingdom. Dahil sa isang trahedya ay napadpad siya sa Brgy. La Ligo. Ang bantot ng pangalan ano? Parang walang ligo. Haha. Pero huwag kayo, kahit naman mahirap kami ay araw-araw pa rin naman akong naliligo kahit amuyin niyo pa. I am Gabby Magnayon, and this is my story.