Painted On My Heart (Book 1)
6 parts Ongoing MatureMatagal ko na siyang lihim na hinahangaan. Para siyang isang obra-perpekto ngunit mailap. Siya ang pinakamatalino, pinakamagaling, at pinakagwapo sa eskwelahan, pero iyon nga lang cold at tila laging malayo. Tuwing susubukan kong ipahayag ang nararamdaman ko, parang nabubura ang bawat salitang sasabihin ko. Ngumingiti lang siya, magalang ngunit malamig, saka lumalayo. Hindi ko maintindihan. Ganito lang ba talaga siya? O may mas malalim na dahilan sa likod ng kanyang katahimikan? O baka hindi niya lang ako gusto. Pero hindi ako susuko. Gusto kong makita ang tunay na siya, hindi lang ang perpektong imahe na nakikita ng lahat.
Siguro... balang araw... ako rin ang ipipinta niya sa puso niya.
Note: TAGLISH (Tagalog and English)