Iisa ang katawan, dalawang katauhan. Paano mapapaibig ni Xander ang babaeng mahal niya kung pilit namang kumakawala sa kanyang katawan ang katauhan ni Hunter na umaagaw sa buo niyang pagkatao at walang ginawa kundi sirain at saktan ang babaeng minamahal niya walang iba kundi si Tania Perez. "S-SINO KA!? HINDI IKAW SI XANDER! BITIWAN MO AKO NASASAKTAN AKO!" Halos maubos na ang boses ko kakasigaw sa taong kaharap ko. Pilit ko siyang tinutulak pero malakas at malaki ang kanyang katawa kumpara sa balingkinitan kong katawan. Lalo akong natakot nang makita ko kung paano nag iba at magdilim ang kanyang anyo. "YES, BABE! DEFINITELY I'M NOT XANDER BECAUSE I AM HUNTER." he said. Nanlaki ang mga mata ko sa pangalan na kanyang binanggit, Naalala ko ang sinabi noon sa akin ni Xander. "Pag lumabas si Hunter layuan mo siya gawin mo ang lahat para lang makalayo sa kanya." "'H-HUNTER?!'' Takot kong ulit sa kanyang pangalan. Ang tagal na noong huli ko siyang nakausap. Tatlong taon at ngayon kaharap ko na naman siya. Ngumisi siya bago banggitin ang.... "YES? MISS ME? THE ONE AND ONLY" Ang tono at seryosong boses niya ang hinding hindi ko makakalimutan at ayaw ko nang marinig pa kailan man. Ang madilim niyang anyo na lalong nagpapakaba sa akin sa tuwing nagtatama ang paningin namin sa isat' isa. Ang mga titig nya na kahit kailan ay ayaw ko nang makita pero ngayon nasa harapan ko na naman siya. XxbrokenfairyxX
1 part