Ang maikasal sa isang tao na hindi mo kilala at kaano-ano kapalit lang ng pagpapaalis sa taong importante sayo ay isang bagay na kinakailangan gawin ni Keihzza upang maibsan ang alalahanin patungkol sa maitim na organisasyon. May sakit ang kanyang lolo nang muling maghasik ng paghihiganti ang iilang grupo na pinabagsak niya, tatlong taon na ang nakakararaan.Na kidnapped ito kasama ang isa niyang kapatid. Akala niya, matapos pabagsakin at isaayos ang dapat isaayos noon ay magiging mabuti na ang lahat pero doon siya nagkakamali. Muli itong nagbalik at nanggulo. Papaano kaya dadalhin at haharapin ni Keihzza ang magulong estado ng kanyang reputasyon habang kasal siya sa isang kilalang tao na nagmula rin sa isang kilalang pamilya? Papaano niya mapapanatiling sekreto ang katauhan niya kung ang asawa niya ay gusto siyang makilala bilang siya? Ngunit papaano kung sa bawat oras na ito'y mahuhulog sa delikadong situwasyon at niligtas ito ay hindi niya magawang mapansin na siya'y unti-unti na palang nahuhulog dito? Kaya ba niyang magsakripisyo para sa isa pang tao na kinailangan niyang protektahan kontra sa magulo niyang mundo? O kaya mas pipiliin na ipagtabuyan ito at masaktan siya kaysa malagay sa alanganin ang buhay nito?