Nagising ako sa madilim na kwarto habang pilit kong linalabanan ang sakit ng katawan ko. Parang ang sama ata ng bagsak ko kanina. Kahit walang ilaw, malinaw sakin ang bawat sulok ng kwarto. Pamilyar ang kwartong 'to. Pinilit ko makabangon ng tahimik mula sa pagkakahiga. Ngunit sa ikinilos ko sa puntong 'to ay bigla rin akong nanghina. "Namiss kita." Agad akong kinilabutan dahil sa isang boses na alam kung malapit lang sakin. Sa oras na to pinapanood lang niya ako. Sa oras na 'to, mahina ako. My tears fell down nang di ko man lang namalayan. Dala na rin siguro ng takot na pinipigilan ko kanina pa. "Jai. I'm fucking hurt!" Sa tono at kalma ng pananalita niya alam na alam ko na kung sino siya. Ang boses na noon gusto kong marinig araw-araw. Bawat buga ng hininga niya ay siya ring lakas ng kilabot na bumabalot sa loob ng kwartong 'to. Medyo natatakot ako. Hindi siya to! Malayo ito sa pagkakakilala ko sa kanya. "Baliw na daw ako?". Palakad-lakad na siya at ramdam ko ang bigat ng nararamdaman niya ngayon. "Baliw na 'ko, Jai! Baliw na ko." paulit-ulit lang siya at tumatawa na. Gusto ko siyang hawakan. Gusto ko siyang pakalmahin. Gusto ko siyang yakapin. Pero gaya ng dati, di ko magawa. Umiiyak na ako habang nakikinig sa kanya. Bakit ang hina-hina ko? Bakit naduduwag na naman ako? "'Wag kang umiyak. Please , ssshhhhhhh! Please? Hindi mo naman ako iiwan ulit di ba? Di ako naniniwala sa kanila." Hindi ko alam ko anong pinagsasabi niya. Nalito ako sa sinabi niyang iiwan ulit. "Matutuluyan na ata Jai 'pag iniwan mo ulit ako". Nabigla ako sa rebelasyong 'yun. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Paano niya nasasabi yun? "Nag-iisip ka ba? Hindi..." niyakap niya ko ng mahigpit. Napalakas na ang iyak ko. "Shhh" Iniharap niya ko at pinunasan ang bawat patak ng luha ko. Hanggang sa di ko namamalayan, lumalabo na ang paningin ko. At paunti-unti, di ko na makita ang maamo niyang mukha but he smile at the end. He smiled at me. My one-sided love.All Rights Reserved