"District 9? Bakit 'yan ang pinili mo? Alam mo naman na delikado diyan, 'di ba?" "I don't care kung delikado. Basta... sabi ng instincts ko na sa District 9 ako nababagay." Si Aya Ysabella Saige ay ang tinaguriang 'pinabayaang anak' ng District 1. Simula nang mag-highschool siya, nag-iba ang pakikitungo ng mga magulang niya sa kaniya. Hindi na siya binibigyan ng baon, siya na ang nagluluto ng sariling pagkain, siya na ang naglalaba ng mga damit niya, siya na ang bumibili ng mga kailangan niya sa school o sa bahay at higit sa lahat, siya na lang mag-isa ang bumubuhay sa sarili niya. Ilang taon siyang nagdusa na mapag-isa. Wala siyang ibang nakakasama bukod sa mga kaklase at kaibigan niya. Wala siyang ibang makausap sa bahay niya kundi ang pusa lang. Wala na siyang ibang nakakasama sa bahay niya. Ganyan kalungkot ang buhay ni Aya. Kada taon, ang bawat distrito ay pumapayag na lumipat ang mga taong may edad 16 hanggang 45 sa ibang distrito. Ito ang pinakahinihintay ni Aya. Gusto niyang lumipat sa ibang distrito. Ayaw na niya sa District 1 sapagkat palagi niyang nakikita ang pamilya niyang pinabayaan siya. Pumili siya ng Distrito hanggang sa mapili niya ang District 9. Kakaunti lamang ang pumipila sa linya ng mga taong lilipat sa District 9 dahil delikado doon. Pero... paano naging delikado? Ano ba ang mayroon sa District 9 na wala sa ibang distrito? Ano ang mangyayari kay Aya? Tutuloy ba siya sa District 9 o hindi? A/N: This is a Stray Kids fanfic. Kahit hindi ka Stay pwede mo rin namang basahin. Highest Rank: #11 in minho #1 in crest #3 in territory