Sabi nila, ang unconditional love ay isang uri ng pag-ibig na napakasayang maranasan sa mundong ito. Nagmamahal ka kasi nang walang hinihinging kapalit, at kapag nakaranas ka nang ganito, isa ka na raw sa pinakamasayang taong nabubuhay. Well, lumaki akong naniniwala na nag-eexist ang unconditional love at naniniwala rin ako na sa pamamagitan nito, kaya kong baguhin ang mundo. Para sa akin, kayang baguhin nito ang madilim na bahagi ng bawat tao, kaya nitong gawing matamis ang mapait at kaya nitong gawing masaya ang malungkot. Pero nagbago lahat ng paniniwala ko nang makilala ko siya, I mean sila. Dalawang tao ang hindi na nabura sa alaala ko dahil sa mga pangyayaring nagpabago ng pananaw ko sa buhay at pareho silang involved doon.