Maraming nagsasabi na hindi daw pwede, Na bawal daw. Pero bakit? Hindi lang naman ako yung unang tao na magkakagusto sa kagaya niya, porque ba ganito ako, na istudyante lang niya bawal na. Hindi naman pang habang buhay ay istudyante niya ako at siya ang guro ko, lalaki din naman ako ah. Pero ang tanong pagkalaki ko ba pwede na kaya? Hindi na kaya bawal? Promise mag-aaral ako ng mabuti at magtatapos ako ng kursong tinapos din niya baka kasi pwede na kami sa panahong iyon. Pero pareho din ba kami ng nararamdaman? O ako lang talaga iyong assuming.
Mahihintay niya kaya ako?
Nasa edad na siya para mag settle, samantalang ako wala pang napapatunayan sa mga oras na ito at walang kasiguraduhan kung magiging matagumpay8 ako gaya niya.
Pero sige, susubukan ko.
Kung hindi man niya ako maiintay, tatakbo nalang ako hanggang maabutan siya. Siguro naman sa mga panahon na iyon okay pa ang lahat.
Sige susugal ako, baka kasi pwede pa na iyong taong nagtuturo sa harapan ko at ako ay pwede.
Pero pano pag may iba na? Sa panahong nagsisikap akong abutin siya, paano pag meron ng iba?
Pano na ako?
Bahala na.
Uupo nalang muna siguro ako dito at gagawa ng isang tula habang inaantay siyang magsara ng pinto ng class room niya.
Sa paglakad mo papalapit sa entablado
Sinasaulo ko ang bawat angking katangian mo
Kasabay ng pagmemorya ko sa pangalan mong sinasambit nila sa mikropono
Hinihiling na sana tadhana nating dalawa'y magtagpo