Mahal kong kaibigan, May saya. May tuwa. May bahid ng lungkot at pait Damhin ang ligaya at hapdi ng mga salitang galing sa aking puso. Ganyan ang pag-ibig. Ganyan ang buhay. Dahil sa magkahalong sangkap na ito ng pag-ibig at buhay. Kaysarap umibig. Kaysarap mabuhay. Damhin mo't danasin ang mga talinghaga sa mga susunod na pahina. Nawa'y magbigay ito ng aral at lakas sa mga mabubuklat na kabanata na iyong buhay. Nagmamahal ng lubos, Bong Guimba