Ano ba ang pakiramdam kapag na sa 'yo na ang lahat? Hindi yong kanta ni Daniel Padilla ha. Kundi yong ganda, talento at pamilya. Pakiramdam na tinitingala ka ng iba, hinahangaan ka- at may kasama ka. Si Purita ay isang sosyalerang piggy. Kumbaga sabay sa uso pero trying hard. Sino bang ayaw ang makasama sa mga nauuso at makabago diba? Si Purita? walang trabaho, walang pera, walang nobyo at walang buong pamilya pero kahit kailan 'di nawawalan ng pag-asa. Bakit? Halina at tunghayan ang takbo at paglangoy ng ating butihin at matabang---pusong si Purita sa agos ng buhay.