Si Athea ay isang kagalang-galang na guro na nainlove sa isang soon to be priest na si Rion (Rayon). Ngunit tutol ang pamilya ng binata sa pag-ibig nilang dalawa. Kaya, napilitan na lamang siyang magpakalayo-layo pagkatapos itigil ang sa tingin ng iba'y kabaliwang pagmamahalan. Na naging dahilan sa pagtugon ni Rion sa bokasyon nito sa simbahan. After 5 years... Muli silang nagkita. Si Athea ay may sarili ng pamilya at anak na si Kevin. Paano kung ngayon kaya nang ipaglaban ni Rion si Athea? Paano kung sasabihin niyang isinuko na ng binata ang bokasyon para sa kanya? Pipiliin ba ni Athea ang mali kaysa sa tama?