Si Sandra, wala siyang laging iniisip kungdi hanapan ng solusyon ang magulo niyang buhay hanggang sa 'di inaasahang pagdalaw ng kaniyang matalik na kaibigan, si Klarin. Hindi alam ni Sandra na sa pagdalaw ng kaniyang kaibigan na ito ay kailangan din niyang lisanin ang kinagisnan niyang lugar sa Maynila. Kinailangan niyang pumunta San Idel kasama ang kaniyang kaibigan at duon magbabago nang husto ang takbo ng kaniyang buhay. Mahahanap na kaya niya ang solusyon duon? O mapagtatanto lang niya na matagal ng nariyan ang solusyon ngunit binabaliwala lang niya? O baka naman mas lalo lang gumulo ang buhay niya sa mga bago niyang matutuklasang bagay?