Nabuhay si Liatris sa mundo ng mga Vinca na kaiba ang paniniwala. Ang mga babae ang namamayani habang ang mga lalaki ay walang silbi kundi bilang alipin at tagabigay lamang ng anak. Walang pag-ibig. Walang kasal. Dahil ang dalawang bagay na iyon ang makakasira sa isang babae. Natuklasan niya kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig nang maging alipin niya si Cid. Nakahanda siyang baliin ang lahat ng batas at paniniwala niya para dito. Maging ang talikuran ang lahat ng Vinca. Ngayon ay siya na ang alipin ng pag-ibig nito. Ngunit ano ang pipiliin niya - ang kamatayan o ang katotohanan na di siya ang mahal nito? *** A fantasy story of a dominant Amazon princess and the slave prince who would claim her. I Published under Precious Hearts Romances
31 parts