Sabi nila, kapag sobrang galing mo daw sa isang bagay, kabaliktaran naman pagdating sa pag-ibig. Kagaya nalang ng mga ganitong halimbawa: ikaw ang pinakamatalino sa klase, wala ka namang love life; ikaw man ang pinakamagaling na detective, hindi mo naman kayang ideduct ang laman ng puso ng taong mahal mo; o kahit ikaw pa ang binansagang 'love expert', sawi ka naman sa romansa.
Siguro nga hindi pwedeng mapunta sa isang tao ang lahat ng magandang katangian. May bagay talaga na magpapapalya ng pagkatao ng isang nilalang. Dahil kapag wala ang iyon, mawawalan ng balanse ang buhay. Sabi nga nila, what is life when there's no pain.
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.