prologue Minsan kung sino pa yung taong nagpapasaya sayo.. siya pa yung taong magpapaiyak sayo.. kung sino pa yung labis na minahal mo siya pa ang mananakit sayo.. "Ayoko kong pakawalan ka kasi sobrang mahal na mahal kita.. kaya pa natin to.. kaya ko pang lumaban para sa yo, para sa relasyon natin.. Pero sapat na ba ang ipaglaban kita? Sapat na ba ang ipagpilitan ko na kaya pa natin? " Minsan talaga may mga bagay na kailangan nang pakawalan kung ikaw na lang mismo ang humahawak.. minsan kailangan mo na rin tumigil kung ikaw na lang mag-isa ang nakikipaglaban para sa relasyon niyo.. 8 years ganun katagal kaming mag-on ni Justin.. 8 years na pinagpalit sa 5months na nakilala niya lang sa trabaho niya.. Ganun kadali para sa kanya itapon ang mahabang panahon na pinagsamahan namin, ganun kadali sa kanya na ipagpalit ako sa babaeng kakakilala pa lamang niya.. Ayoko siyang bitiwan .. una siyang naging akin.. una kaming nagmahalan.. pero kaya ko pa ba?kaya ko pa ba ipagpilitan ang kaming dalawa kung siya mismo umaayaw na.. kung siya mismo ayaw ng lumaban.. sabi nga nila kung mahal mo pakawalan mo.. "pocha! Oo mahal ko siya pero di ko siya kayang pakawalan, sobrang sakit, napakasakit.." pero kung dun siya masaya.. kung magiging masaya siya sa piling ng bago minamahal niya, handa akong magpalaya.. handang ako ibigay sa kanya ang kaligayahan niya kasi dulot nito ay sobrang sakit sa akin..