Ako ay isa lamang normal na tao na may pagka abnormal. Sana gets mo sinabi ko pero sa pagiging abnormal kong to. Nagkaroon ako ng isang kaibigang lalaki kung saan, nagustuhan ko ng tuluyan. Sya ang unang lalaking pinagkamahal-mahal ko ng tapat at totoo pero nagawa nya paring manloko. Hindi ko alam ang aking gagawin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko alam kung ano ang tama at mali. Hindi ko na alam lahat basta ang alam ko lang sa ngayon ay ang nasaktan nya ako sobra. Kaya ngayon gusto ko lamang na ibahagi sainyo ang kwento ko Ang kwentong ito ay base sa aking naranasan at naramdaman nung ako'y kanyang iwan. Kung mababasa nyo ito, sana ay mapairamdam ko sainyo kung gaano kasakit ang ginawa niya sa akin. Gamit saking pagsusulat ay gusto kong ilabas ang aking hinanakit. At eto ang kwento ko. Di man kagandahan sana ay inyo paring suportahan. - A U T H O R Isang babaeng di kagandahan ang bida sa kwentong to. Babaeng boyish ang datingan ngunit napaka astig nyang tignan. Isa sya sa babaeng di marunong mag-ayos ng sarili. Mataba, may kaitiman mahaba ang buhok, may dimple at maraming pimples sa noo. Hindi naman sa tadtad, tamang palima-lima lang ganon. Hindi nya inaasahan na isang araw ay magugustuhan sya ng isa nyang kaibigan. Sila yung tipo ng magkaibigan na minsan lang magkita pero close sa isa't isa. Siguro dahil narin sa kakulitan ang babaeng Bida. Matalak syang babae ngunit kapag ito ag nanahimik may problema yan. Tuloy lang ang friendship nilang dalawa hanggang sa umamin ang kaibigan nya na natitipuhan nya ang ating bida. Nahulog din ang loob nito dito dahil dati na rin itong may pagtingin sakanya. Dahil bawal pa ang mag-nobyo ay mag M.U muna sila hanggang sa di inaasahang pangyayare na di nya inaasahan. At yun ay ang ipagpalit sya nito sa ibang babae na nakahihigit sakanya. TO BE CONTINUED...