Lumaki si Bridgette na sunod sa layaw. Lahat ng gusto niya ay ibinibigay ng kanyang magulang labag man sa kalooban ng mga ito. Ngunit isang malagim na pangyayari ang bumago sa kanyang mala-prinsesang buhay. Isang insidenteng naging simula ng maraming pagsubok at naging dahilan upang sya ay maging matatag at matutong lumaban. Sa pagdating ng isang estranghero maraming magbabago sa kanyang buhay, isa na dito ay ang pagkakatuklas sa isang bagay na matagal niyang pinaniwalaan na isa palang malaking kasinungalingan. Paano niya haharapin ang napakalaking suliraning ito nang nag-iisa. Mas matimbang ba sa kanya ang kaisa-isang taong kumupkop sa kanya o isang estranghero na unti-unting napapamahal sa kanya?