WRONG CHOICE, WRONG MOVE (ONCE THERE WAS A LOVE Series)
44 parts Complete Mercedes Medina, simpling dalaga na may malaking pangarap hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para rin sa kanyang ina. Isang araw biglang nagbago ang kanyang buhay nang nahanap niya ang daan patungo sa kanyang pangarap. Sa kanyang paglalakbay sa buhay ay may makikilala siya na magkapatid na Savilla na siyang mag-aagawan sa kanyang nag-iisang puso. Si Jino Claude Savilla matured and family oriented. Jardin Junux Claude Savilla, tripper, gangster, black ship of the family. Sa dalawang lalaki na kanyang makikilala ay kailangan niyang pumili ng isa. At nang nakapili siya, akala niya ang kanyang napili ay siyang magiging mundo niya, ngunit siya ay nagkamali. Sapagkat ang taong kanyang pinili ay siya palang wawasak sa mundo niyang matagal nang binuo.
Sino kaya ang kanyang pinili na labis niyang pinagsisihan?
MERCEDES: Masakit lang talaga tanggapin na kapag darating na ang panahon na kailangang nang mamili ay hindi ikaw iyong kanyang pipiliin gayong marami kang isinakripisyo alang-alang sa kanya. Iyong kinalimutan at binitawan mo na ang lahat na mayroon ka para lang piliin mo sya, pero sa huli iiwanan ka rin pala.
Minsan may mga bagay tayong nagawa na labis nating pagsisisihan sa huli.
Hanggang saan ang kaya mong ipaglaban pagdating sa pag-ibig? Isusugal mo ba lahat para lang sa ngalan ng pag-ibig o magpaparaya ka nalang para hindi ka nalang masaktan?