Don't mess with me

Don't mess with me

  • WpView
    Reads 80
  • WpVote
    Votes 10
  • WpPart
    Parts 2
WpMetadataReadOngoing
WpMetadataNoticeLast published Wed, Jun 26, 2019
*splashhh* Nawala bigla ang concentration ko sa anime manga na binabasa ko nang may kung sinuman ang nag buhos ng malamig na tubig mula sa ulo ko. Hindi pa nga ako nakakabawi sa pagkagulat ay sunod-sunod na tawanan na ang narinig ko sa paligid. "Hey weirdo!," tawag ng isang babae kaya napatingin ako dito. "Nagustuhan mo ba ang unang paligo mo?" sabi nung babaeng na sobrang kapal ng make up at tila ba nang-aasar ito base sa tono ng pananalita nito. "Ayan ha," singit ng isa pang kasama nito. "Nag volunteer na kaming paliguan ka baka kasi walang tubig sa bundok na pinanggalingan mo. " sabi nito, pero medyo hindi ako naka focus sa sinabi nito kung hindi dun sa suot n'ya, malapit na kasing makita ang hindi dapat makita. "Naku girls, baka kulamin tayo n'yan, balita ko mangkukulam daw ang lahi nila!" maarteng sabi ng isa pang kasama nito sabay tawa. Meron pala kaming lahing mangkukulam? ba't hindi yata ako na-inform ng mga kamag-anak ko... Pero teka... Am I being bullied? Well, first time kong ma-bully kaya eto, medyo late reaction lang. Hindi ko nalang sila pinansin dahil ayaw ko silang patulan, mag aaksaya lang ako ng oras pag ginawa ko iyon kaya kahit halos basa na ang buong katawan ko, mas minabuti kong ipagpatuloy ang pagbabasa ko ng manga, ang ganda na kasi ng mga eksena dito sa binabasa ko, mamaya na ako magpapalit ng damit. Pero agad din akong magilan at natulala sa nasaksihan.. Yung manga ko kasi... Hindi na mabasa dahil basang-basa na, hindi na maklaro yung mga drawing at yung mga letra. Napatingin ako sa mga babaeng hanggang ngayon ay tawa parin ng tawa. Mapayapang pagbabasa lang naman ang hinihingi ko, di nyo pa ako pinagbigyan... Walang kamalay-malay ang mga babaeng ito sa kung ano ang kaya kong gawin sa kanila. " Ohh dear, who do you think you're messing with?" bulong ko kasabay ng malademonyo kong ngiti. I, Aya Mendoza, 17, and this is my story...
All Rights Reserved
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • December's Midnight When He Gone ✔
  • Branded Series Book 4: Jarine (COMPLETED)
  • My Long Lost Sister
  • Euphoric Feeling
  • His Obsessive tactics: Not Anymore (COMPLETED✓)
  • SEXMATE story
  • Tadhana. Sana.
  • Soul Search 1: Wicked Encounters (Completed)
  • Morning Star
  • Glimpse Of You. ♥ (Pulled Off)

[December Trilogy Book 1/ Lite Ver.] Hey guys, I'm Triza Montes a girl who always been hurt. Oo tama kayo ng nabasa. Palagi talaga akong nasasaktan. Ewan ko nga ba kasi sa mga lalaki, bakit lagi nalang sila nananakit, nakakapagpagaan ba yun ng mga damdamin nila? Hindi ko kasi maintindihan e. Kasi parang ganun yung nangyayari. Nananakit sila para sumaya. Pero bakit? Paano ba sila napapasaya ng pagpapahirap at pananakit sa iba? Sa buong buhay ko ata bilang Junior Highschool ay isa lang ang nangyayari saakin. Iniiwan at sinasaktan ng mga taong minamahal ko. Wala naman akong balat sa pwet pero tila napakamalas ko kung ihahambing sa buhay ng iba. Pero nagbago ang lahat ng yun ng makilala ko ang isang tao. Nung una hindi ko talaga inakalang siya ang magpapabago sa buhay ko, pero yun ang nangyari. Naging malapit kami kahit na madami kaming differences. Nung nakilala ko siya. Alam ko sa sarili ko na may nagbago saakin. Na kahit papaano ay naging masaya ako, hindi lang sa piling ng mga minamahal kong kaibigan at pamilya. Kundi sa isa ding lalaking tulad niya. Pero may hindi inaasahang mga pangyayari. Akala ko talaga maganda na ang lahat, na magiging okay na. Pero mas masakit pa pala. Akala ko yun na e, pero di parin pala, mas masakit pa nga siya kaysa sa mga ibang mga heartbreaks ko sa mga nauna mga lalaki na pumasok sa buhay ko. Durog na durog ako. Durog na durog dahil hindi ko manlang siya nakita. Hindi ko manlang nahawakan ang kamay niya. Hindi ko manlang siya nakausap bago kami magkahiwalay. Ngayon... wala na kaming chance na makapag-usap pa... wala na kaming chance na maging kami ng mahabang panahon... Pero sabi nga nila ganun nga daw talaga ang buhay. Minsan yung mga bagay o tao pa na mahalaga at napapalapit sayo ang kukunin. Masasaktan ka pero sa huli matututo karing bumangon mag isa. At sa huli tutuloy ka sa pamumuhay, kahit wala na siya sa tabi mo. ----- Okay handa niyo na mga panyo niyo ha. Char! Sana magustohan niyoooo!

More details
WpActionLinkContent Guidelines