(COMPLETED) Matagal ba ang pitong taon na paghihintay para makasama ang taong mahal mo habambuhay? Isa lamang ang hiling ni Joaquin Sebastian, ang matapos na ang hangaring tumulong ng anghel niya, si Dianne, at sana'y magtapos sa pagbuo naman ng kinabukasan nilang dalawa. Ngunit sa haba ng kaniyang paghihintay, maaari nga bang magtapos na lamang sa paghihintay?