Naniniwala ka ba sa mga diwata? Kay Bathala? Sa mga maligno o kaya ay sa mangkukulam, multo at engkanto? Sa panahon ng mga gadgets at makabagong industriya, bibihira na lang ang naniniwala sa mga iyon. Sabi nga ng karamihan, kathang isip na lang at nilimot na ng panahon. Pero hindi si Amber. Totoong naniniwala siya sa mga lamang-lupa, maligno, at sa mga kakaibang nilalang sa bundok kaya nga talagang hindi siya nagpapigil at gusto niyang isampal sa mga kakilala niya na hindi siya nababaliw at totoo ang mga nilikha na iyon. Isang kakaibang libro ang nabasa niya at unang kita pa lang niya sa drawing ni Bathalang Dimakulu ay talagang nabighani na siya sa taglay nitong kaguwapuhan. Maraming mga balita na totoong tao si Bathalang Dimakulu na dino-diyos ng isang tribu sa mabundok na parte ng Central Luzon. Hanggang sa marating niya ang bundok Tibuklu. At doon niya napatunayan na hindi siya nababaliw. Dahil sa gitna ng kagubatan, sa pusod ng bundok Tibuklu ay nasa harapan niya si Bathalang Dimakulu at mas guwapo pala siya sa personal kesa sa drawing lang.
55 parts