Pwede bang kapag mahal mo mahal ka din nung taong mahal mo, unfair na kung unfair ayan lang naman ang gusto ni Angeli ang mahalin sya nung taong mahal nya. Matagal nya ng gusto si John Rhafael Cemedez ang school mates nya, sikat na sikat yun sa buong Campus, Matalino,Mabait,Maunawain,Mapagmahal,Maalaga at ang pinaka pogi sa buong campus. Ang bilis nya lang kasing gustuhin e wala ka ng ibang hihilingin kasi lahat nasa sakanya na suuuuper bait nya mga sis tiyak magugustuhan nyo din sya.
At may isa pa akong problema mga sis, may umamin sakin na mahal nya na daw ako simula mung una naming pagkikita na love at first sight siguro sa sa ganda ko charooot lang haha pero umamin sya sakin mga sis last year lang yun pero ngayon andito pa din sya sa tabi ko, hindi pa din sya sumusuko sakin ang sabi nya kasi maghihintay daw sya hangga't ako naman ang magustuhan nya, sincere na sincere yung mga mata nyasis para na nga syang maiiyak e kasi nasasaktan ko sya may mahal akong iba tapos sya mahal nya ako.