Mula nang itakwil si Haya ng pamilya niya ay nangako na siya sa sariling hinding-hindi na uli magpapapasok ng estranghero sa buhay niya. Ayaw na niyang maranasan uli ang sakit ng rejection mula sa kahit na sino. Pero nagbago ang lahat ng dumating sa buhay niya ang pansamantalang kapit-bahay niya. He teased her, followed her and made her see him. Tinuruan siya nitong ibaba ang depensang iniharang niya sa puso niya. She was beginning to enjoy having him in her life nang biglang sumulpot ang mga magulang niya. Ang akala niya ay mabibigkisan ang nasira nilang relasyon pero walang habas na hiniya siya ng mga ito. Nalaman niyang si Wade ang may pakana ng pagkikita nilang iyon ng mga magulang niya. Dahil sa matinding sakit ng ikalawang rejection ng sariling pamilya ay dito niya ibinunton ang lahat. Itinaboy niya ito gaya ng pagtataboy ng pamilya niya sa kanya. May pag-asa pa kayang maghilom ang mga sugat niya? Magawa pa kaya niyang patawarin hindi lamang ito kundi maging ang sarili niya?All Rights Reserved