Bakit ako nag stay? Bakit ako hindi sumuko? Bakit ako nagpakamartir na kahit di na ako masaya? Bakit ako umasa? Ilang beses kong gustong sumuko pero di ko ginawa. Binigyan kita ng space pero di ko kinaya. Simula naman sobrang perfect sobrang right-timing. Ang dami ngang naiinggit sa atin e. Paano tayo yung tipong 'di mapahiwalay. Yung sobrang sakto. Na kahit paulit-ulit na minsan at nakakasawa na sa mata ng iba. Okay pa rin sa ating dalawa. Pero bakit ako nag stay? Sayo kasi akong naging masaya. Sayo ko kasi naramdam kung gaano kasarap ang mahalin. Yung ginigising ka ng palyang; "Goodmorning, time for breakfast mahal!" Sa tuwing kasama kita wala na akong ibang hinihiling pa kasi alam kong ikaw lang yung nag papasaya sa akin. Nasanay ako na kasama kita araw araw. Yung napuno natin yung gallery mo ng travel photos at madami dun puro kainan lang kung saan saan at travel lang saan tayo mapunta. Kahit sobrang limited ng oras natin nakahanap pa din tayo ng oras para sa isa't-isa. We had a lot of good memories... A lot of chances of how do we express our gratitude to each others. A full of wonderful love and memories... at ngayon lahat ng yun ay good memories na lang. Pag naaalala ko natatawa na lang akong balikan. Kahit sinabi nila na "tama na" - you and me against the world nga diba. Ako lang ba yung nakaramdam nun? Yung may sarili tayong mundo? Yung tumitigil yung bawat oras at ayaw kong matapos yun. It was all perfect and authentic. Bakit nagkulang ba ako? Bakit nasobrahan ba sa tamis? Bakit anong nagawa ko? Bakit ikaw tong bumitaw? Ilan years din ah. Naubusan na ako ng bakit. Kahit ako hindi ko din mapaliwanag. Naalala ko pa, hindi tayo kagaya ng iba na naniwala sa forever kasi alam natin pareho na sa lifetime lang na to - tayo magkasama at sa huli pareho tayong kukunin ng mga aliens. Pero sumuko din ako. Madami kasi akong inakala. At ngayon... Paano ba maka move on from you? How do I unlove you? Paano?All Rights Reserved