Her Other World Awakening
34 parts Complete Sa mata ng mundo, si Ashinyra Noir Celest Velmora ay perpekto-nag-iisang tagapagmana ng kilalang angkan sa industriya ng negosyo, maganda, matalino, at nakatayo sa tuktok ng marangyang buhay. Ngunit sa likod ng mga ngiti at ginto, ay isang kaluluwang unti-unting nauupos. Sa mundo kung saan lahat ay peke, pakiramdam niya'y isa siyang bihag-ginagamit, kinakailangan, ngunit hindi kailanman minamahal.
Hanggang isang pangyayari, sa pagitan ng sakit at luha, isang hindi inaasahan ang sumagot sa kanyang lihim na kahilingan.
Ang mapunta sa isang mundong misteryoso, ligaw, at puno ng aninong may sariling buhay. Isang mundong hindi para sa kanya subalit ito ang mundong ninanais niya. Doon niya matutuklasan ang totoo niyang pagkatao, ang kahulugan ng tunay na pagmamahal, at atensyon na sabik niyang maranasan.
Ngunit ang mundong ito, may mga halimaw sa dilim at katotohanang mas mapanganib kaysa sa kasinungalingan ng kanyang nakaraan, handa ba siyang piliin ang sariling kalayaan at kasiyahan kapalit ng katiyakang iniwan niya?