sabi nila kapag nerd ka matalino ka. kapag nerd ka automatic bookworm 'yan. madalas binubully nga sila ng ibang tao kasi muka silang mahina, lampa, panget at losyang kung manamit. pero hindi lahat ng nerd ay totoo talagang mga nerd. minsan 'yong iba nagpapanggap lang na mga nerd para layuan sila ng ibang tao at para itago ang totoo nilang pagkatao sa paningin ng iba. para magmukha silang mahina at kaawa-awa. minsan kailangan nilang magpanggap na gan'on para walang makakilala sa kanila at kung sino talaga ang tunay na sila. minsan ba natanong mo na kung ano ba ang kwento sa likod ng mga malalaking eyeglasses na suot nila? 'yan ang dapat mong alamin. sino ba talaga sila? muka lang talaga silang tahimik at napakainosente pero hindi mo alam kung sino ba 'yong totoo sa kanila at nagpapanggap lang. hindi mo alam 'yong iba sa kanila ay mapanganib pala at mas masahol pa sa demonyo. kaya alamin mo muna at kilalanin silang mabuti bago mo sila husgahan at apihin dahil hindi mo alam... patago pala silang lumalaban. hindi lahat ng mga mukang nerds ay totoong mga nerds na. kaya din nilang lumaban. hindi lang sila basta mga nerds... dahil ang totoo niyan... mga assassins sila...